Lumaktaw sa pangunahing content

KINAIN KO ANG PAG-IBIG



* * *

Nagising ako nang saktong alas tres ng madaling araw. Saktong-sakto lang ito... tulad ng inaasahan ko. Tamang-tama lang.
Kinuha ko ang bagay na noon pa man ay kating-kati na akong gamitin. Sa tingin ko ay ngayon na nga ang tamang panahon.

Lumabas ako ng aking kuwarto. Napakatahimik ng paligid at tunay na napakadilim ng bawat sulok ng mga silid. Binuksan ko ang kabilang pinto ng kabilang kuwarto at doon tumambad sa akin ang mga magulang kong mahimbing na natutulog. Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi habang dahan-dahang lumalapit sa kanila.

Sa bawat pag-angat at pagbaba ng kanilang mga dibdib ay mas lalong nararating ng aking sistema ang rurok ng kasiyahan nito. Sa bawat pagkaluskos ay mas lalong lumalawak ang guhit ng ngisi sa aking mga labi.

Tang ina... hindi ko na mapigilang mapamura sa aking isipan. Hinaplos ko ang napakaamong mukha ng aking nanay. Hindi niya alam na noon pa ma'y lihim ko na siyang napupusuan nang higit pa sa pagiging magulang. Niyuko ko ang aking ulo at magaan na siniil ng aking mga labi ang kanya para sa isang halik. Napakasarap. Napakalambot.

Lumipat ako sa aking ama na ngayon ay nakayakap sa pinakamamahal kong babae. Pinagmasdan ko ang bawat sulok ng kanyang mukha, pilit na kinakabisado ang bawat detalye nito. Hinimas ko ang kanyang pagkalalaki at halos hindi ko na mapigilan ang panggigigil ko na alisin sa kanya ang armas na iyon.

Lumapit ako sa bintana at pinagmasdan silang natutulog. Nilabas ko ang bagay na nakatago lang sa mahabang panahon sa ilalim ng aking kama. Halos maluha ako sa taglay nitong talim, lalong-lalo na nang makita ko ang repleksiyon ng bilugang buwan dito. Isang kutsilyo.

Unti-unti, muli ako lumapit sa aking ama. Inangat ko ang aking mga kamay na mahigpit na nakakapit sa kutsilyong baon ko bago itarak sa kanyang bungo ang talim noon. Puno ng panggigigil, galak at pagmamahal kong idiniin ang tulis noon hanggang sa malasahan ko ang malansang dugong tumilamsik sa aking mukha. Hindi ko na napigilan at humalakhak ako.

Hindi ko akalaing ganito pala kasarap ang pagmamahal. Tang ina... hindi ko ulit napigilan ang sarili kong magmura.

"D-Di...gong?" Isang nanginginig na boses ang umalingawngaw sa kuwartong iyon.

Gumuhit ang takot sa aking mukha nang makita ang aking nanay na siyang pinakamamahal kong babae. Gising siya at sumisipa. Napatayo siya, hindi ko maipaliwanag ang banyagang ekspresyon sa kanyang mukha. Pagmamahal... Iyan ang pagmamahal, ulit ko.

Mabilis kong sinakop ang distansiyang humihiwalay sa aming dalawa at sa gutom, muli ko siyang siniil ng halik. Pilit siyang nagpupumiglas ngunit mas lalo ko lamang idiniin ang aking sarili. Ramdam ko ang pag-awang ng kanyang bibig nang itarak ko sa kanyang dibdib ang patalim na hawak ko. Puno ng panggigil, galak at pagmamahal kong idiniin ang tulis noon hanggang sa malasahan ko na ang malansang likido na tumilamsik sa aking mukha na galing sa kanyang bunganga.

Lumayo ako nang humandusay siya sa sahig. Pinasada ko sa aking pisngi ang kutsilyo at humalinghing sa hatid nitong kiliti sa aking sistema. Muli akong bumalik sa aking ama at tinarak naman ang patalim sa kanyang dibdib. Ngunit hindi ko inaasahang masyado akong matutuwa kaya't inulit-ulit ko pa ang pagtarak sa kanya noon.

Tang ina... hindi ko na naman mapigilang mapamura.

Winakwak ko ang dibdib niya at natagpuan ang pusong tumitibok pa dahil sa pagmamahal. Kinuha ko iyon at pinisil-pisil. Ang sarap sa pakiramdam kaya't nilingon ko ang mukha ng aking ama at nakitang nakatitig pa rin siya sa akin. Pagmamahal. Puno iyon ng pagmamahal.

Dinaluhan ko ang aking ina at ginawa rin sa kanya ang ginawa ko sa kanyang asawa. Ngayon ay hawak ko na ang dalawang bagay na sumisimbolo ng kanilang pag-ibig sa akin. Humalakhak ako. Palakas nang palakas habang dinadama ang lamig at kiliti na hatid sa aking mga pisngi ng mga regalong nagmula sa aking mga magulang.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, kumalam ang aking sikmura. Doon ko naalalang ilang araw na akong walang kain. Napaungol ako sa sakit! Tang ina.

Binalot ng panginginig ang aking sistema na dulot ng kagutuman. Pinagmasdan ko ang dalawang mapupulang bagay sa aking mga kamay. Ito... ito ang sumisimbolo ng pagmamahal sa akin ng aking mga magulang. Kaya walang pag-aalinlangan kong kinagatan ang isa roon, na sinundan ng isa pang kagat, at ng isa pa... hanggang sa hindi ko namalayang naubos na pala.

Tang ina. Ang crunchy pala?

Napapikit ako at dinama ang lamig na dulot ng sahig sa aking likod. Hinimas-himas ko ang aking tiyan sa sobrang kabusugan. Hindi ko pa maiwasang mapadighay. Dyahe lang, nakakahiya kina Nanay at Tatay. Baka sabihin nilang wala akong good manners.

Tang inang 'yan. 'Wag na, uy!

Unti-unting umangat ang dulo ng aking mga labi nang maalala ko na naman ang walang humpay na litanya nila sa akin...

"Busog na busog ka sa pagmamahal, Digong. Tandaan mo 'yan..."


Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Wasak na Wakas

"Patayin n'yo na lang kami kaysa pahirapan pa nang ganito! Parang awa n'yo na... Patayin n'yo na lang kami..." hagulgol ni Eya habang yakap-yakap ang kapatid niyang luwa na ang mata dahil sa pagpapahirap na ginagawa sa kanila ng mga lalaking nakamaskara.

Humalakhak ang mga lalaki. "Maghihirap muna kayo! Mga punyeta! Hah! Nasaan ang mga magulang ninyo?! Nasaan?! Hindi pa sila nakababayad sa perwisyong idinulot nila sa angkan namin! Hindi pa!"

Kinuha ng isang lalaking nakamaskara ang bakal na ibinabad sa lumalagablab na apoy at itinutok sa mukha ng bunsong kapatid ni Eya.

"HUWAG PO! PARANG AWA N'YO NA! TAMA NA PO!"

Itinakbo ni Eya ang kaniyang kapatid na halos hindi na makagalaw sa sobrang panghihina. Kahit putol na ang kaliwang binti ng dalaga ay pinilit niya pa ring ilayo ang kanilang mga sarili samantalang nangibabaw pa rin ang halakhakan ng mga lalaking nakamaskara habang pinaglalaruan ang magkapatid.

"TAMA NA POOOO!" hagulgol ni Ey…

Silforty

"Good afternoon, sir." Bati ng security guard. Tumunog ang chimes nang pagbuksan niya ko ng glass door. Pagkapasok ko ay agad na hinanap ng mga mata ko ang table na nasa pinakasulok at nasa pagitan ng mga salamin. Tinignan ko ang relo ko at nakitang sobrang tagal ko na pala. Napamura nalang ako. Ginala ko ang paningin ko hanggang sa... Makita ko siya. "Sorry. I'm so sorry. Aish. Late ako." Hinihingal ako. Pero parang alam na niya na mangyayari ito. Inaasahan na niyang mahuhuli na naman ako... Tulad ng dati. "It's okay. Have a seat." Napabuga ako ng hangin nang di manlang niya ako tignan. Nakababa parin ang tingin niya sa hawak niyang libro habang may isang tasa ng kape sa tapat niya. "Sorry." Halos bulong ko sa hangin sabay upo sa tapat niya. "I said it's okay." Aniya. "I'm--" Mas minabuti ko nalang na hindi ituloy ang sasabihin. Tinignan ko ang isa pang tasa ng kape na nasa mesa. Kadalasan ang mga kape, umuusok pa dahil sa i…