Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2015

Wasak na Wakas

"Patayin n'yo na lang kami kaysa pahirapan pa nang ganito! Parang awa n'yo na... Patayin n'yo na lang kami..." hagulgol ni Eya habang yakap-yakap ang kapatid niyang luwa na ang mata dahil sa pagpapahirap na ginagawa sa kanila ng mga lalaking nakamaskara. Humalakhak ang mga lalaki. "Maghihirap muna kayo! Mga punyeta! Hah! Nasaan ang mga magulang ninyo?! Nasaan?! Hindi pa sila nakababayad sa perwisyong idinulot nila sa angkan namin! Hindi pa!" Kinuha ng isang lalaking nakamaskara ang bakal na ibinabad sa lumalagablab na apoy at itinutok sa mukha ng bunsong kapatid ni Eya. "HUWAG PO! PARANG AWA N'YO NA! TAMA NA PO!" Itinakbo ni Eya ang kaniyang kapatid na halos hindi na makagalaw sa sobrang panghihina. Kahit putol na ang kaliwang binti ng dalaga ay pinilit niya pa ring ilayo ang kanilang mga sarili samantalang nangibabaw pa rin ang halakhakan ng mga lalaking nakamaskara habang pinaglalaruan ang magkapatid. "TAMA NA POOOO!&quo

Pagmamahal ni Jose

"Pakipot ka pa. Eh gusto mo rin naman ako. Bakit ayaw mo pa akong sagutin?" panunuyo ni Lolo Joseph kay Lola Esme. Humalukipkip ang matandang babae at ngumuso na parang bata. "Sagutin? Sagutin ka diyan! Ni hindi ka pa nga nanliligaw, ikaw na matanda ka!" Pinagmasdan ko lamang ang dalawang matandang nagsusuyuan na akala mo'y mga binata't dalaga pa rin. Sina Lolo Jose at Lola Esme ay sampung taon nang namamalagi rito sa Home for the Aged na pinagtatrabahuhan ko. At sa limang taon na nagvo-voluteer ako rito, marami na 'kong nakilalang matatanda. May iba't ibang ugali, ngunit silang dalawa ang lubos na nakapukaw ng atensyon ko. Nakakatuwa silang panuorin t'wing sasapit ang ika-siyam ng umaga. Katulad ngayon, may dalang paso ng sili si Lolo Joseph na kinuha pa niya sa hardin upang ibigay kay Lola Esme. "Hindi pa ba ako nanliligaw sa lagay na ito? Sampung taon na akong naghihintay at nagtitiis para lang sa napakatamis mong 'oo

Yummy Drink

"Tol! May tubig ka pa ba d'yan?" hiyaw ng  ka-tropapips ni Romer habang busy siyang gumagawa ng takdang aralin na ipapasa na maya-maya lamang. "Ha?" nakakunot-noong untag ni Romer habang abala pa rin sa pagtingin nang palipat-lipat sa kaniyang papel at sa papel ng hiniraman niyang kaklase. "Tang**na! Bilisan mo, uhaw na 'ko!" Nagpatuloy lamang sa pagsusulat si Romer. "Tan**na naman! Kunin mo na lang sa bag! Kita mong nagsisipag ako rito!" anang Romer at muling nagpatuloy, hindi pa rin nililingon ang katropapips. Maya-maya... "G*go ka, Romer! Tang'na mong hayop ka, demonyo! A-ano 'tong pina-inom mo sa'kin?!" Handa nang murahin ni Romer pabalik ang kaniyang ka-tropapips ngunit nakita niya itong pulang-pula. Natigilan si Romer at unti-unting pinamutlaan ng mukha, naaalala ang kanilang eksperimento kaninang umaga sa laboratoryo. Oo nga pala. Ginamit niyang lagayan ng asido ang lalagyan niya ng t

Pseudo

  “Saan ka pupunta?” Hinablot ko ang braso ni Marco nang makitang aalis na siya matapos ang isang tawag.   “Faye, kailangan kong puntahan ang pinsan mo. Nasa ospital si Magenta,” may awtoridad ang kaniyang tinig.   Halos gumuho ang lahat sa akin nang malamang mas pipiliin niya pa ang pinsan ko kaysa sa amin ng anak niya ngayon.   “‘Wag, Marco. Dito ka lang, please…” Umiling ako sa kaniya, pinipigilang tumulo ang nagbabadyang mga luha sa aking mata.   “Ano ka ba, Faye! Hanggang ngayon ba naman ay pagseselosan mo pa rin si Maggy?!” pagtataas niya ng boses sa akin. Marahas niyang inalis ang kamay ko sa kaniyang braso at saka umiling. “Kailangan kong puntahan si Magenta. ‘Wag kang madamot, Faye! Pinsan mo iyon!”   Napahagulgol na ako nang tuluyan niyang lisanin ang puting kuwartong ito. Hindi ko siya mapipigilan. Alam ko naman iyon. Pagdating kay Magenta, hinding-hindi ko siya magagawang pigilan. Halata namang mahal pa rin niya ang pinsan ko kahit matagal na silang hiwalay. Ngayo

Ungol ng Kabataan

    Babala: Rated SPG (Tema, Lengguwahe, Sekswal, Relihiyon)      “Titooo!” sigaw ng mga bata sa orphanage habang kumakaripas ng takbo patungo sa kanilang paboritong bisita tuwing Sabado.      Sinalubong naman ito ng lalaking kadarating lamang nang nakabukas ang magkabilang braso. Yumuko siya upang maabot siya ng mga batang tila sabik na sabik sa kaniyang pagdating.        Ang mga batang ito ay nasa apat hanggang siyam na taong gulang pa lamang. Lahat ay iniwan sa orphanage ng kanilang mga magulang noong mga sanggol pa lamang sila, ngunit makikita sa kanilang mga ngiti na parang wala silang ano mang problemang dala-dala. Masisigla at makukulit ang mga batang ito... maliban sa isa. “Avon,” nakangiting utas ng lalaki sa batang babaeng nakasuot ng puting bestida at tahimik lang na nanunuod sa kanilang gilid.      Ang batang ito ay si Avon. Limang taong gulang pa lamang ngunit tila sampung taon na kung umakto’t mag-isip. Kung ikukumpara sa ibang mga bata sa loob ng orphanage

Silforty

"Good afternoon, sir." Bati ng security guard. Tumunog ang chimes nang pagbuksan niya ko ng glass door. Pagkapasok ko ay agad na hinanap ng mga mata ko ang table na nasa pinakasulok at nasa pagitan ng mga salamin. Tinignan ko ang relo ko at nakitang sobrang tagal ko na pala. Napamura nalang ako. Ginala ko ang paningin ko hanggang sa... Makita ko siya. "Sorry. I'm so sorry. Aish. Late ako." Hinihingal ako. Pero parang alam na niya na mangyayari ito. Inaasahan na niyang mahuhuli na naman ako... Tulad ng dati. "It's okay. Have a seat." Napabuga ako ng hangin nang di manlang niya ako tignan. Nakababa parin ang tingin niya sa hawak niyang libro habang may isang tasa ng kape sa tapat niya. "Sorry." Halos bulong ko sa hangin sabay upo sa tapat niya. "I said it's okay." Aniya. "I'm--" Mas minabuti ko nalang na hindi ituloy ang sasabihin. Tinignan ko ang isa pang tasa ng kape na nasa m