“Basketball bukas, Jhed. Subukan mong humindi, sisikmuraan ka namin.” Gumuhit ang takot sa mukha ni Jhed nang marinig iyon mula sa kanyang mga kaklse na nakasalubong niya lamang sa kalye. Kakatapos lang ng huling klase sa linggong iyon. Napakamot siya ng batok sa hiya. “Uh, pasensiya na, pare. May pasok pa ako bukas, e. Sa susunod na lang. Babawi ako…” pagpapakumbaba niya. Tinawanan siya ng mga kausap at binato ng bola sa ulo. Napapikit siya sa sakit na naramdaman at napaluhod sa semento dahil sa lakas ng puwersa. “Ang bobo talaga nito! Walang pasok bukas, gunggong!” Samu’t saring pambabatikos ang natamo ni Jhed. Tumatawang iniwan siya ng mga ito kaya’t wala mang ideya kung anong nangyari ay sinikap niya pa ring tumayo. Hinaplos niya ang parteng natamaan ng bola at napadaing sa sakit. “Uy! Anyare sayo?” Isang tapik sa balikat. Tinignan niya kung kaninong kamay galing iyon at nginitian na lamang. “Hay, nako. Bilisan na natin! Baka ma-late na naman tayo. Hanggang bukas
“Nay, totoo po bang may multo... sa ilalim ng kama ko?” bulong ni Lhoyd habang mahigpit ang kakapit sa kanyang kumot. “Wala, anak…” bulong pabalik ng kanyang ina sabay halik sa kanyang noo. “Wala…” Ngumiti na lamang si Lhoyd bago ipikit ang mga mata. Dahil sumampa na sa ibabaw ng kama ang kanyang ina.