Scheofrodé. : pangngalan (n.) : takot, kahibangan, kaba na nararamdaman sa matagal na pagtitig sa harap ng isang salamin. * * * Tanga. 'Yan pala ako simula pa noon. Isa akong tanga. Tanga na nagpalinlang sa isang salamin. Akala ko noon, hindi ako malilinlang ng kahit anuman basta't magawa kong linlangin ang realidad. Oo, nagtagumpay ako. Pero, tanga. Isang salamin ang nakatalo sa akin. Isang salamin na kahit kailan ay kaya kong basagin, ngunit hindi ko gagawin. Tanga ako, pero hindi ako pikon. Sa kalagitnaan ng byahe sa dyip na sinasakyan ko, tahimik akong nakikipagtalo sa realidad. Kung saan-saan napadpad ang aking isipan nang isang bagay ang aking malaman. Sa aking pag-uwi, hindi na ako nag-abala pang magbihis ng pambahay; dumiretso agad ako sa palikuran kung saan matatagpuan ang... kriminal. Isang salamin ang payapang nakasabit sa dingding. Halos maiyak ako; mahigpit na ikinuyom ang aking kamao nang makita ang pinakasinungaling na nilalang n
Koleksyon ng mga ideya, kwento, opinyon, at iba't iba pang uri ng literatura na mula sa malilikot na imahinasyon ng limang kabataan. Ito po ay naglalaman ng mga bagay-bagay na matapos ang isang imahinasyon ay naisipang magtipa sa keyboard at tumutok sa harapan ng malapad na salamin upang ipamahagi ang mga naging kalabasan ng imahinasyon ng mga normal na kabataan.