Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2016

Front Guy

“What’s your order, sir?” “Just a cup of hot coffee please.” Hindi ko ginawaran ng kahit isang sulyap ang cashier. Binigyan lamang ako nito ng isang plate kung nasaan ang number ng order ko saka ako tumungo sa table na walang nakaupo. Kinuha ko ang libro sa aking bag at ipinagpatuloy ang pagbabasa sa huling pahina na nabisita ko. Sa kalagitnaan ng ginagawa, doon ko muling naalala ang sinabi sa akin ng mentor ko sa stage play. “Mr. Zaphron! Anong ginagawa mo? Santisimo! Wala sa sahig ang partner mo! Maintain eye-contact!” Mahina akong napadaing sa narinig ko. Naramdaman ko ang paninigas ng babaeng kaharap at ang mahina niyang pagsinghap ay hindi nakalagpas sa pandinig ko. Huminga ako nang malalim. Una kong hinawakan ang kanyang mga kamay. Nilapit ko iyon sa aking dibdib tulad ng nabasa ko sa script at unti-unti, inangat ko ang aking mga mata mula sa sahig tungo sa mga mata ng babaeng hawak-hawak ko ngayon. Nakita ko kung paano siya mataranta sa pamamagitan ng mga mata niyang hindi m