Lumaktaw sa pangunahing content

Front Guy


“What’s your order, sir?”


“Just a cup of hot coffee please.”


Hindi ko ginawaran ng kahit isang sulyap ang cashier. Binigyan lamang ako nito ng isang plate kung nasaan ang number ng order ko saka ako tumungo sa table na walang nakaupo.


Kinuha ko ang libro sa aking bag at ipinagpatuloy ang pagbabasa sa huling pahina na nabisita ko. Sa kalagitnaan ng ginagawa, doon ko muling naalala ang sinabi sa akin ng mentor ko sa stage play.


“Mr. Zaphron! Anong ginagawa mo? Santisimo! Wala sa sahig ang partner mo! Maintain eye-contact!”


Mahina akong napadaing sa narinig ko. Naramdaman ko ang paninigas ng babaeng kaharap at ang mahina niyang pagsinghap ay hindi nakalagpas sa pandinig ko.


Huminga ako nang malalim. Una kong hinawakan ang kanyang mga kamay. Nilapit ko iyon sa aking dibdib tulad ng nabasa ko sa script at unti-unti, inangat ko ang aking mga mata mula sa sahig tungo sa mga mata ng babaeng hawak-hawak ko ngayon.


Nakita ko kung paano siya mataranta sa pamamagitan ng mga mata niyang hindi makatuon nang maayos sa akin. Galaw iyon nang galaw; palipat-lipat ang direksiyon hanggang sa sumuko ito at humugot na lamang ng malalim na hininga kalaunan. Sinubukan niyang tumingin nang diretso sa akin at ganon din ang ginawa ko sa kanya—bagay na hindi ko madalas gawin sa mga tao.


Tulad ng inaasahan ko, nagsimula nang kumirot ang ulo ko. Nagtangis ang aking panga pero pinilit kong tiisin ang sakit.


May mga larawan na lumalabas sa isip ko at parami iyon nang parami. Pabilis nang pabilis hanggang sa hindi ko na nakayanan. Inalis ko ang mga mata ko sa babae, binitawan ang kanyang mga kamay at humakbang ako nang ilang ulit palayo rito.


Hinabol ko ang aking hininga; punong-puno ng pawis ang noo at hingal na hingal ako. Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib kaya may ilang estudyante ang tumakbo patungo sa akin, tinanong kung ayos lang ako o kung ano. Umiling ako at umatras na lang muli.


“What now, Mr. Zaphron?!” nanggagalaiti na untag ng mentor ko. Umiling ako rito at lumayo.


“Sorry, ” tanging nasambit ko na lang. “I can’t do this.” Tuluyan akong nagpaalam.


“Here’s your coffee, sir.” Bumalik ako sa kasalukuyan nang ihatid na sa akin ang order kong kape.


“Thanks,” tango ko rito at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Pero ilang sandali rin, sinarado ko ito dahil maraming gumugulo sa isip.


I heaved a sigh. I can’t... I just can’t stare at people’s eyes. Hindi ko alam kung isinumpa ako o isa ba itong biyaya sa akin. But every time I look at someone straight in the eyes for more than five seconds or something in between, images would start to flash and clamor through my mind.


Humigpit ang pagkakahawak ko sa tasa ng aking kape at huminga nang malalim.


Nakikita ko ang hinaharap ng isang tao sa oras na titigan ko ito sa mata. Awtomatikong nagsisilabasan ang mga larawan sa aking isip kung anong mangyayari sa kanila pagkalipas ng ilang taon. Hindi ako makatulog. It’s like their future became my nightmare every time I tried to take a sleep.


“Hey, can I seat here?” narinig kong tanong ng isang boses. Isang babae.


Pamilyar ang boses na iyon at hindi ako maaaring magkamali. It’s the girl from the stage practice.


“Wala na kasing available na table,” pagpapatuloy nito, tila nahihiyang ngumiti.


“Okay,” simple kong sagot at hindi tinanggal ang tingin sa binubuksan kong libro.


Narinig ko ang pag-upo at ang pagsimsim niya sa kaniyang tasa. Ganoon din ang ginawa ko sa akin; pinagmasdan ang mga sasakyang dumadaan sa labas paminsan-minsan.


“Pasensiya na sa nangyari kanina,” mahina niyang sabi. “Pasmado kasi talaga ang mga kamay ko. ‘Yun tuloy, nadamay ka pa. I’m sorry. Nagpaliwanag na naman ako kay Ms. Silva.”


“Why would you do that? You don’t even know my reason,” anang ko at bigla akong napabaling sa kanya. Binaba ko ang libro sa mesa. Tinignan niya iyon.


“I don’t need help from someone as intrusive as you.”


Napasinghap ito sa tinuran ko at nag-iwas agad ng tingin. Kumukulo ang dugo ko sa ginawa niya. Sino ba siya at kailangan pa niyang gawin iyon para sa akin? Ni hindi niya ako literal na kilala! Ano ako, kawawa? Hindi ko kailangan ng tulong!


Ginulo ko ang aking buhok at sumandal sa kinauupuan ko. Pinilit kong pakalmahin ang sarili sa pamamagitan ng pagpatong ng siko sa mesa at pagkulong ng mukha sa loob ng mga kamay.


“I-I’m sorry,” rinig kong hikbi niya. “Akala ko, m-mas aayos ang sitwasyon kung gagawin ko iyon. I’m sorry!”


Inangat ko ang mga mata ko at nakitang umiiyak nga siya. What the heck? Ano bang klaseng babae ito? Aba’t!


Ginala ko ang paningin sa buong paligid para lang makita na pinagtitinginan na ng ibang parokyano ang direksiyon namin. Napangiwi ako at tinuon muli ang atensiyon sa babae.


“Shh! Hush now. Stop crying!” mariin kong sambit sa kanya.


Mula sa kabilang gilid ay inabot ko ang kanyang mukha para lamang punasan ang mga luhang tumutulo sa pisngi nito. I fished my hanky inside my pocket and handed it to her. Napamura pa ako nang hindi pa siya matigil sa paghikbi.


Naihilamos ko ang aking kamay sa mukha, wala nang magawa kundi tumayo at maglakad papunta sa kanyang puwesto. Nag-aalinlangan ako kung ilalapat ko ba ang kamay ko sa taas-baba niyang balikat gawa ng mga paghikbi o ano. Kumunot ang noo ko.


I can’t believe this girl! Napailing ako at hinagod ang likod niya para mahimasmasan siya kahit papano. Ang bigat ng loob ko habang ginagawa iyon pero nagpatuloy lang ako. At sa tingin ko nga ay epektibo ang ginawa ko dahil hindi naglaon, pahina na nang pahina ang paghikbi ng hindi ko maipaliwanag na babae.


O nagkakamali lang ako? Dahil mayamaya pa, sa paghina ng hikbi niya ay pumalit dito ang nakakaloko niyang pagtawa. Unti-unti niyang binaba ang mga palad na kanina pa nakatakip sa kanyang mukha at suminghot muna bago ako harapin.


“Joke, joke, joke!” bulalas niya, namumula pa ang mga mata at tungki ng ilong. Para siyang kamatis sa sobrang pula ng maputi niyang balat. Muntik ko nang makalimutan kung anong nangyari.


Nagsalubong ang dalawa kong kilay at napalayo nang bahagya.


“What?” I glowered at her. My face scrunched up even.


Tawa lang siya nang tawa nang makita niya ang reaksiyon ko. Ha-ha. I gave her a death glare that intimidates a lot of people. But instead of giving a short glare, it turned out to be a stare.


Dahan-dahan, naramdaman ko ang pananakit ng aking ulo. It was the same pain I felt earlier. But now is a bit different. Imbis na putulin ko ang pagtitig sa kanya at iwasan ang mga mata niya, sa kabila ng pananakit at unti-unting paglabo ng aking paningin ay mas pinili kong panatilihin ang mga mata ko sa babae.


Some part of me wanted to break the eye contact, but most of me wanted to stay. Stay like this. At least for a while. For just a... moment, I wanted to know her future.


I wanted to know her destination.


I wanted to know her.


And soon it just happened that...


I only wanted...


...her.


Nagsimulang magsulputan ang iba’t ibang larawan sa isip ko. Nakita ko kung paano siya ngumiti sa panahon ng kanyang unang araw sa trabaho. Mga larawan ng pagsusumikap, mga tagumpay at mga selebrasyon. Hanggang sa makita ko ang mga bulaklak, tsokolate, at iba’t iba pang uri ng regalo.


Muli, naroon ang matatamis niyang ngiti na unti-unting gumuguhit sa kanyang mga labi habang binabasa ang mga liham na ipinadadala sa kanya.


Mas lalong kumirot ang aking ulo dahilan ng pagsigaw ko.


“Zaph! Are you okay?” rinig kong tanong ng isang boses sa paligid. Isang malambing at nag-aalalang boses. And it’s her, the girl from my vision. The girl before me.


Tuloy-tuloy lang ang mga larawang lumalabas sa aking paningin. Magmula nang magkaroon siya ng bagong alagang aso, na pagkakita ko’y kalong-kalong ng isang aninong pagmamay-ari ng isang lalaki. Ang ngiti sa mga labi nila. Bawat haplos, yakap, at halik na inihandog nila sa isa’t isa.


Mas lalong sumakit ang nararamdaman ko ngunit hindi ko binitawan ang pagtitig sa kanya. Samantalang siya, halatang gulong-gulo na sa akin.


Puro masasayang larawan ang nakikita ko. Hanggang sa dumating ang puntong... unti-unti niyang winawasak ang sarili niyang buhay. Punong-puno ng luha, dugo, at paghihinagpis ang sumunod na mga larawan. Hanggang sa hindi ko na maunawaan ang mga sumunod pa. Pero isa lang ang natitiyak ko...


“Mr. Zaphron.” Ramdam ko ang lambot at ingat sa kanyang haplos sa aking pisngi. “Are you feeling well now?”


Lahat ng iyon ay sinapit ng babaeng nasa harapan ko ngayon dahil...


“Hey...”


Sa isang lalaking minahal niya nang lubusan...


“Zaph...”


And that bastard is...


“Okay, you’re starting to freak me out!”


No other than...


“Okay, I quit.”


...the guy in front of her now.


Matagal bago ko namasdan ang paligid. Wala na kami sa coffee shop tulad ng huli kong natatandaan. We’re now inside a humble and organized condo unit. I realized I fainted again, not surprising anymore. But how did she manage to carry me here?


Nang napansin kong tototohanin niya ang bantang lalayuan na niya ako, hindi ko alam, pero sumapit ang pinaghalong kaba at takot sa akin. Hinabol ko ang kanyang kamay na siyang paalis na sana sa akin bago iyon mabilis na hinila para makulong siya sa bisig ko. At para hindi na makatakas.


“T-Teka!” Sinubukan niyang magpumiglas pero hindi ko siya hinayaang makawala. “Anong nangyayari sayo?!”


I remained in brooding silent. Mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap sa kanya, puno ng takot, pangamba, at pagkabahala. Tamang-tama lamang ang aking mukha sa pagitan ng kanyang baba at leeg.


For some reason, it felt as if I’ve known her my whole life. As if I’ve known every inch and detail of her after that incident back in the café. I let my senses filled with her presence. I let my instincts get the best of me. I won’t let go...


I’ll make sure that the premonitions won’t ever happen to her or even get close to her. Babaguhin ko ang tadhana. I’ll make sure she’ll be happy with me. I promise.


“Z-Zaph...”


Dumistansiya ako nang kaonti at kinulong sa aking mga palad ang kanyang mukha. Gulong-gulo ang reaksiyon niya, nagdududa na sa mga kilos ko ngunit isang tipid na ngiti lamang ang iginanti ko bago magsalita.


“I-I’ sorry,” nanginginig kong sambit, “But I will promise you this...” Huminga ako nang malalim at nilagay ang tikwas ng buhok niya sa likod ng kanyang tenga. Sinundan ko ng tingin ang aking daliring humaplos pa nang bahagya sa kanyang balat.


“I don’t want to sound like a creep. But I won’t leave you no matter what,” paninigurado ko sa kanya habang hinuhuli ang kanyang tingin. “Okay?”


Bakas man ang pagdadalawang-isip sa hitsura, nagawa niya pa ring itango ang kanyang ulo nang mabagal at may pag-aalinlangan.


“O-Okay.”


At iyon ang simula ng pakikipagsapalaran ko sa tadhana.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

KINAIN KO ANG PAG-IBIG

Babala: Rated SPG (Tema, Lengguwahe, Karahasan, Horror)  Nagising ako nang saktong alas tres ng madaling araw. Saktong-sakto lang ito... tulad ng inaasahan ko. Tamang-tama lang. Kinuha ko ang bagay na noon pa man ay kating-kati na akong gamitin. Sa tingin ko ay ngayon na nga ang tamang panahon. Lumabas ako ng aking kuwarto. Napakatahimik ng paligid at tunay na napakadilim ng bawat sulok ng mga silid. Binuksan ko ang kabilang pinto ng kuwarto at doon tumambad sa akin ang mga magulang kong mahimbing na natutulog. Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi habang dahan-dahang lumalapit sa kanila. Sa bawat pag-angat at pagbaba ng kanilang mga dibdib ay mas lalong nararating ng aking sistema ang rurok ng kasiyahan nito. Sa bawat pagkaluskos ay mas lalong lumalawak ang guhit ng ngisi sa aking mukha. Tang *na... hindi ko na mapigilang mapamura sa aking isipan. Hinaplos ko ang napakaamong mukha ng aking nanay. Hindi niya alam na noon pa ma’y lihim ko na siyang napupusuan nang higit pa sa pagiging

Pagmamahal ni Jose

"Pakipot ka pa. Eh gusto mo rin naman ako. Bakit ayaw mo pa akong sagutin?" panunuyo ni Lolo Joseph kay Lola Esme. Humalukipkip ang matandang babae at ngumuso na parang bata. "Sagutin? Sagutin ka diyan! Ni hindi ka pa nga nanliligaw, ikaw na matanda ka!" Pinagmasdan ko lamang ang dalawang matandang nagsusuyuan na akala mo'y mga binata't dalaga pa rin. Sina Lolo Jose at Lola Esme ay sampung taon nang namamalagi rito sa Home for the Aged na pinagtatrabahuhan ko. At sa limang taon na nagvo-voluteer ako rito, marami na 'kong nakilalang matatanda. May iba't ibang ugali, ngunit silang dalawa ang lubos na nakapukaw ng atensyon ko. Nakakatuwa silang panuorin t'wing sasapit ang ika-siyam ng umaga. Katulad ngayon, may dalang paso ng sili si Lolo Joseph na kinuha pa niya sa hardin upang ibigay kay Lola Esme. "Hindi pa ba ako nanliligaw sa lagay na ito? Sampung taon na akong naghihintay at nagtitiis para lang sa napakatamis mong 'oo

Scheofrodé

Scheofrodé. : pangngalan (n.) : takot, kahibangan, kaba na nararamdaman sa matagal  na pagtitig sa harap ng isang salamin. * * * Tanga. 'Yan pala ako simula pa noon. Isa akong tanga. Tanga na nagpalinlang sa  isang salamin. Akala ko noon, hindi ako malilinlang ng kahit anuman  basta't magawa kong linlangin ang realidad. Oo, nagtagumpay ako. Pero,  tanga. Isang salamin ang nakatalo sa akin. Isang salamin na kahit kailan ay  kaya kong basagin, ngunit hindi ko gagawin. Tanga ako, pero hindi ako  pikon. Sa kalagitnaan ng byahe sa dyip na sinasakyan ko, tahimik akong  nakikipagtalo sa realidad. Kung saan-saan napadpad ang aking isipan  nang isang bagay ang aking malaman. Sa aking pag-uwi, hindi na ako nag-abala pang magbihis ng pambahay;  dumiretso agad ako sa palikuran kung saan matatagpuan ang... kriminal. Isang salamin ang payapang nakasabit sa dingding. Halos maiyak ako;  mahigpit na ikinuyom ang aking kamao nang makita ang pinakasinungaling  na nilalang n