Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2021

Saturday Shift

  “Basketball bukas, Jhed. Subukan mong humindi, sisikmuraan ka namin.”   Gumuhit ang takot sa mukha ni Jhed nang marinig iyon mula sa kanyang mga kaklse na nakasalubong niya lamang sa kalye. Kakatapos lang ng huling klase sa linggong iyon. Napakamot siya ng batok sa hiya.   “Uh, pasensiya na, pare. May pasok pa ako bukas, e. Sa susunod na lang. Babawi ako…” pagpapakumbaba niya.   Tinawanan siya ng mga kausap at binato ng bola sa ulo. Napapikit siya sa sakit na naramdaman at napaluhod sa semento dahil sa lakas ng puwersa.   “Ang bobo talaga nito! Walang pasok bukas, gunggong!”   Samu’t saring pambabatikos ang natamo ni Jhed. Tumatawang iniwan siya ng mga ito kaya’t wala mang ideya kung anong nangyari ay sinikap niya pa ring tumayo. Hinaplos niya ang parteng natamaan ng bola at napadaing sa sakit.   “Uy! Anyare sayo?” Isang tapik sa balikat.   Tinignan niya kung kaninong kamay galing iyon at nginitian na lamang.   “Hay, nako. Bilisan na natin! Baka ma-late na naman tayo. Hanggang bukas

Under the Bedtime Story

  “Nay, totoo po bang may multo... sa ilalim ng kama ko?” bulong ni Lhoyd habang mahigpit ang kakapit sa kanyang kumot.   “Wala, anak…” bulong pabalik ng kanyang ina sabay halik sa kanyang noo. “Wala…”   Ngumiti na lamang si Lhoyd bago ipikit ang mga mata. Dahil sumampa na sa ibabaw ng kama ang kanyang ina.

Nakalimulat Na

  Gumuhit ang napakatamis na kurba sa mga labi ni Phineas nang ilibot ang mata sa paligid. “Anong masasabi mo?” untag ng nakatatandang kapatid nito, si Philip. Kinapa ni Phineas ang kuya na nasa tabi lamang niya at tumango.  “Tunay na maganda ang paraiso, Kuya! Napakakulay ng mundong ito. Kabaligtaran man pero ganoon ang nakikita ko! Dito, nagkakaisa ang mga tao. Nakakamangha. Posible pala ito!” Hindi umimik si Philip, pinapakinggan lamang ang mga inosenteng bulalas ng kapatid sa kanyang tabi.  “Kuya! Ganito pala sa mundo mo. Nagagawa mo ang kahit anong nais mong gawin. Nakikita ang nais mong makita. Walang maaalinsangan na eskinita. Walang nakatiwangwang na basura kahit saan. Walang maliit, pango, kalbo, sungki, mataba... lahat pantay-pantay! Ni walang taong nakabusangot ang mukha rito! Basta, wala lahat!” Mahinang natawa si Philip nang maramdaman ang lubusang pagkagalak ng kapatid sa nasasaksihan. “Paraiso, hindi ba? Lahat pantay-pantay. Walang pamantayang sumasakal sa litid ng mga n