"Saan tayo pupunta, babe?" Tanong ni Izzy sa kanyang nobyong si Rave. "Sa ospital." Patuloy na pagmamaneho ng lalaki. "Ha? Bakit? Sinong naospital?" "Ako. Nababaliw na kasi ako sayo." Sabay ngisi. Nabunutan ng tinik ang dalaga. Pinalo nito sa braso ang kanyang boyfriend. "Fudge! Akala ko totoo na! Alis ako na magmamaneho! Willing akong dalhin ka sa mental!" Bahagyang napahalakhak nalang ang lalaki sa inasal ng girlfriend niya. Sa totoo lang, magdadalawang taon na silang mag-on pero kahit kailan, hindi pa siya nito nahahalikan. Puro yakap, at holding hands lang. Kahit anong ipilit niya na, okay lang basta mahal nila ang isa't isa, hindi parin niya mapigilan ang malungkot. Hindi sa nagmamadali siya pero... naniniwala siya na ang isang halik ay nagbibigay ng kasiyahan sa isang tao. At, gusto niyang maramdaman ang kasiyahan na yon, kasama ang pinakamamahal niyang babae. "Seriously, you're driving too much. We're way
Koleksyon ng mga ideya, kwento, opinyon, at iba't iba pang uri ng literatura na mula sa malilikot na imahinasyon ng limang kabataan. Ito po ay naglalaman ng mga bagay-bagay na matapos ang isang imahinasyon ay naisipang magtipa sa keyboard at tumutok sa harapan ng malapad na salamin upang ipamahagi ang mga naging kalabasan ng imahinasyon ng mga normal na kabataan.