Umihip ang napakasarap na hangin. Hapon nung araw na iyon... narinig kong may dumating. Nasa di kalayuan lang ako mula sa kahoy naming pinto sa bakuran nang pagbuksan sila ni mama. Sa totoo lang, nakaupo ako sa duyan na nakatali ang magkabilang dulo sa dalawang puno ng mangga. Umihip na naman ang napakasarap na hangin. Ginamit ko ang mga paa ko para itulak nang bahagya ang duyan. Gumalaw ito nang konti tulad ng inaasahan ko. Sa sobrang ganda ng paligid na puro berde, isama na ang napakasarap na ihip ng hangin, masasabi kong... Maganda ang buhay... Masarap mabuhay. "Saki, may naghahanap sa iyo." Tinawag ako ni mama. Minulat kong muli ang mga mata ko. Nakita ko ang likuran ni mama na naglalakad na palayo papunta sa bahay. Malawak ang bakuran namin dito sa probinsya. Sa totoo lang, hindi kami permanente rito. Sa Manila kami naninirahan at bakasyon lamang ang sadya namin sa lugar na to. Umihip na naman ang napakasarap na hangin. Hinintay ko munang tumigil an
Koleksyon ng mga ideya, kwento, opinyon, at iba't iba pang uri ng literatura na mula sa malilikot na imahinasyon ng limang kabataan. Ito po ay naglalaman ng mga bagay-bagay na matapos ang isang imahinasyon ay naisipang magtipa sa keyboard at tumutok sa harapan ng malapad na salamin upang ipamahagi ang mga naging kalabasan ng imahinasyon ng mga normal na kabataan.