Lumaktaw sa pangunahing content

Yuosaki

Umihip ang napakasarap na hangin. Hapon nung araw na iyon... narinig kong may dumating. Nasa di kalayuan lang ako mula sa kahoy naming pinto sa bakuran nang pagbuksan sila ni mama. Sa totoo lang, nakaupo ako sa duyan na nakatali ang magkabilang dulo sa dalawang puno ng mangga. 

Umihip na naman ang napakasarap na hangin. 

Ginamit ko ang mga paa ko para itulak nang bahagya ang duyan. Gumalaw ito nang konti tulad ng inaasahan ko. Sa sobrang ganda ng paligid na puro berde, isama na ang napakasarap na ihip ng hangin, masasabi kong... 

Maganda ang buhay... 
Masarap mabuhay. 


"Saki, may naghahanap sa iyo." 
Tinawag ako ni mama.

Minulat kong muli ang mga mata ko. Nakita ko ang likuran ni mama na naglalakad na palayo papunta sa bahay. 
Malawak ang bakuran namin dito sa probinsya. Sa totoo lang, hindi kami permanente rito. Sa Manila kami naninirahan at bakasyon lamang ang sadya namin sa lugar na to. 

Umihip na naman ang napakasarap na hangin. 

Hinintay ko munang tumigil ang mahinang pag ugoy ng duyan bago tuluyang tumayo. Nang makarating doon, nakatalikod mula sa direksyon ko ang isang babae at isang lalaki. Magkatabi silang dalawa habang kaharap si mama, si mama na ngayon ay kumakaway sa akin. 

"Saki!" 


Umihip na naman ang napakasarap na hangin. 


Dahan dahan akong humakbang nang ilang ulit, bago makalapit sa kanila. Nakatalikod pa rin sa akin yung babae at lalaki, samantalang nasa likuran na nila ako. Abot kamay ko na ang dalawa. 


"Oh. Nariyan na pala ang anak ko." 
Kitang kita ko ang matamis na pag ngiti ni mama sa dalawang panauhin. At doon, nilingon na ako ng babae at lalaki. 

"Magandang hapon, iha."


Nakangiting bumati sa akin si Tita Kriselda, ang babaeng panauhin. 


"Saki..." 


Umihip na naman ang napakasarap na hangin. 


Samantalang hindi nakangiti ang lalaking panauhin nang batiin niya ako. Ngunit, hindi rin ito nakasimangot. 


"Ano pong ginagawa niyo rito?" 


"May gusto lang sabihin ang anak ko, iha." 


Umupo ako sa bakanteng upuan na pang isahan lang. Tumango ako nang isang beses at uminom sa tasa na nasa tapat ko. 
Naghuramentado ang puso ko nang biglang tumayo ang lalaki sa kanyang kinauupuan at tumabi sa akin. Pilit niyang pinagkakasya ang sarili niya kahit na sikip kaming dalawa. Tinikom ko ang bibig ko at pinatong ang tasa sa lamesa. 

Umihip na naman ang napakasarap na hangin. 


Ilang minuto ang nakalipas, tanging ang mga magulang lang namin ang nag uusap. Nang maya maya ay bigla siyang tumayo. Humarap ito kay mama. 


"Mamamasyal lang po kami, Tita." 


"Ha? Uh, sige. Ingat kayo." 


Humarap sa kin yung lalaki. Lumapit siya sa kin at saka ako hinigit paalis sa harapan ng dalawang ginang. 
Tahimik lang kami habang naglalakad para kuhain ang bisikleta ko. Siya ang naghawak ng bisikleta hanggang sa makalabas na kami ng bakuran. Huminto muna kaming dalawa sa tapat ng pintuang kahoy. Naghihintayan. Nagpapakiramdaman. 

Mahal na mahal ko siya... 


Umihip na naman ang napakasarap na hangin. 


"Hindi pa ba tayo aali—" 


Pinutol niya ang sasabihin ko. Nilapit niya sa kin yung bisikleta na parang binibigay niya ito. 


"Iangkas mo ko..."


Natigilan ako sa sinabi niya. 
Kadalasan, sa aming dalawa, siya ang laging nagmamaneho habang ako, nasa likod lang... ako ang umaangkas. Pero... 

Walang imik akong tumango. Pinaubaya niya sakin yung dalawang manibela. Hinakbang ko ang isang paa ko sa kabilang gilid. Ready na akong magmaneho.Hinihintay ko nalang siya. Hinihintay ko nalang ang mga hawak niya sa akin. Hanggang sa makuha ko na yung senyales... Senyales na dapat na akong umandar. Naramdaman ko na ang maiinit niyang palad sa magkabilang balikat ko. 

Umihip na naman ang napakasarap na hangin. 


Napapikit ako. 


"Tara..." 
Malamig ang kanyang boses. Panlalaki. Mababa. Nakakaadik... nakakabaliw. 

Successful ang unang padyak ko sa bisikleta... 
Na sinundan ng pangalawa. Ng pangatlo. Ng pang apat. Hanggang sa hindi ko na mabilang. Ngunit sa bawat pagpadyak, sumusulpot sa utak ko ang nakaraan. Yung panahong nililigawan niya ako. Yung panahong sinagot ko siya ng napakatamis na oo. Yung panahong sobrang mahal na mahal namin ang isa't isa. Yung panahong sweet ako sa kanya pero para parin siyang tuod dahil ang cold niya. Ngunit sa kabila ng ugali niyang iyon, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sakin. At masasabi kong... Mahal namin ang isa't isa... Mapahanggang ngayon. 

Mahal niya ako... At ganon din ako sa kanya. 




"Hinto ka muna..." 


Umihip na naman ang napakasarap na hangin. 


Pinreno ko ang bisikleta at bumaba siya. 
Humarap siya sa akin at sinenyas na bumaba rin ako tulad niya. Pinark ko muna yung bisikleta saka naglakad papunta sa kanya. Tumayo ako sa tabi niya na dahilan ng panliliit ko. Matangkad siya. Maliit lang ako. Hanggang balikat lang niya ang tuktok ng ulo ko. Saklap. 

"Pabili ho. Dalawa." 
Inabot niya ang bayad sa tindera. Yung nagbebenta ng palamig na dalandan. Dalandan juice. 

"Ito, iho. Maraming salamat."


Kinuha niya sa kamay nung tindera yung dalawang plastic cups na may lamang dalandan juice. Saka niya binigay sa kin yung isa. 


"Thanks." 


Tumango siya. "Tara..." 


Mas nauuna siyang maglakad kaysa sa akin. 
Dumiretso siya sa upuang kawayan na nakasilong sa malaking punong kahoy. 

Umihip na naman ang napakasarap na hangin. 


Bumuntong hininga ako. 
Umupo ako sa tabi niya sabay inom sa baso. Napangiwi ako sa taglay nitong asim. Baliw. Sumulyap ako sa kanya. Pasilip silip lang muna. Nakita ko siyang nakatunghay sa kawalan habang taas baba ang adam's apple niya. Nag iwas ako ng tingin at tinitigan nalang ang hawak kong baso. 

"Ano nga pala yung sasabihin mo?" 
Dahil don, lumingon siya sakin. Matamlay na ngiti ang binigay niya sakin kasabay ang paglapag niya ng baso sa upuang kawayan. 

"Saki..." 


Kumalampag nang napakalakas ang puso ko. 


"Po?" 


Sabay pikit ko nang mga mata nung... 


"May taning na ang buhay ko." 


Umihip na naman ang napakasarap na hangin. 



    

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Wasak na Wakas

"Patayin n'yo na lang kami kaysa pahirapan pa nang ganito! Parang awa n'yo na... Patayin n'yo na lang kami..." hagulgol ni Eya habang yakap-yakap ang kapatid niyang luwa na ang mata dahil sa pagpapahirap na ginagawa sa kanila ng mga lalaking nakamaskara. Humalakhak ang mga lalaki. "Maghihirap muna kayo! Mga punyeta! Hah! Nasaan ang mga magulang ninyo?! Nasaan?! Hindi pa sila nakababayad sa perwisyong idinulot nila sa angkan namin! Hindi pa!" Kinuha ng isang lalaking nakamaskara ang bakal na ibinabad sa lumalagablab na apoy at itinutok sa mukha ng bunsong kapatid ni Eya. "HUWAG PO! PARANG AWA N'YO NA! TAMA NA PO!" Itinakbo ni Eya ang kaniyang kapatid na halos hindi na makagalaw sa sobrang panghihina. Kahit putol na ang kaliwang binti ng dalaga ay pinilit niya pa ring ilayo ang kanilang mga sarili samantalang nangibabaw pa rin ang halakhakan ng mga lalaking nakamaskara habang pinaglalaruan ang magkapatid. "TAMA NA POOOO!...

KINAIN KO ANG PAG-IBIG

Babala: Rated SPG (Tema, Lengguwahe, Karahasan, Horror)  Nagising ako nang saktong alas tres ng madaling araw. Saktong-sakto lang ito... tulad ng inaasahan ko. Tamang-tama lang. Kinuha ko ang bagay na noon pa man ay kating-kati na akong gamitin. Sa tingin ko ay ngayon na nga ang tamang panahon. Lumabas ako ng aking kuwarto. Napakatahimik ng paligid at tunay na napakadilim ng bawat sulok ng mga silid. Binuksan ko ang kabilang pinto ng kuwarto at doon tumambad sa akin ang mga magulang kong mahimbing na natutulog. Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi habang dahan-dahang lumalapit sa kanila. Sa bawat pag-angat at pagbaba ng kanilang mga dibdib ay mas lalong nararating ng aking sistema ang rurok ng kasiyahan nito. Sa bawat pagkaluskos ay mas lalong lumalawak ang guhit ng ngisi sa aking mukha. Tang *na... hindi ko na mapigilang mapamura sa aking isipan. Hinaplos ko ang napakaamong mukha ng aking nanay. Hindi niya alam na noon pa ma’y lihim ko na siyang napupusuan nang higit pa sa pagig...

Scheofrodé

Scheofrodé. : pangngalan (n.) : takot, kahibangan, kaba na nararamdaman sa matagal  na pagtitig sa harap ng isang salamin. * * * Tanga. 'Yan pala ako simula pa noon. Isa akong tanga. Tanga na nagpalinlang sa  isang salamin. Akala ko noon, hindi ako malilinlang ng kahit anuman  basta't magawa kong linlangin ang realidad. Oo, nagtagumpay ako. Pero,  tanga. Isang salamin ang nakatalo sa akin. Isang salamin na kahit kailan ay  kaya kong basagin, ngunit hindi ko gagawin. Tanga ako, pero hindi ako  pikon. Sa kalagitnaan ng byahe sa dyip na sinasakyan ko, tahimik akong  nakikipagtalo sa realidad. Kung saan-saan napadpad ang aking isipan  nang isang bagay ang aking malaman. Sa aking pag-uwi, hindi na ako nag-abala pang magbihis ng pambahay;  dumiretso agad ako sa palikuran kung saan matatagpuan ang... kriminal. Isang salamin ang payapang nakasabit sa dingding. Halos maiyak ako;  mahigpit na ikinuyom ang aking kamao nang ma...