Lumaktaw sa pangunahing content

Scheofrodé



Scheofrodé.
: pangngalan (n.) : takot, kahibangan, kaba na nararamdaman sa matagal na pagtitig sa harap ng isang salamin.

* * *

Tanga.

'Yan pala ako simula pa noon. Isa akong tanga. Tanga na nagpalinlang sa isang salamin. Akala ko noon, hindi ako malilinlang ng kahit anuman basta't magawa kong linlangin ang realidad. Oo, nagtagumpay ako. Pero, tanga. Isang salamin ang nakatalo sa akin. Isang salamin na kahit kailan ay kaya kong basagin, ngunit hindi ko gagawin. Tanga ako, pero hindi ako pikon.

Sa kalagitnaan ng byahe sa dyip na sinasakyan ko, tahimik akong nakikipagtalo sa realidad. Kung saan-saan napadpad ang aking isipan nang isang bagay ang aking malaman.

Sa aking pag-uwi, hindi na ako nag-abala pang magbihis ng pambahay; dumiretso agad ako sa palikuran kung saan matatagpuan ang... kriminal.

Isang salamin ang payapang nakasabit sa dingding. Halos maiyak ako; mahigpit na ikinuyom ang aking kamao nang makita ang pinakasinungaling na nilalang na nakilala ko.

Tanga. Tanga pala ako. Pinamukha niya sa akin na ako'y isang tanga. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kriminal. Dios mio! Buong buhay ko'y patay-malisya niya akong niloloko!

Sa paglapit ko'y napatunayan nga ang sikreto... ng salamin na payapang nakapuwesto sa harapan ko mismo. Na ang ipinapakita'y isang kahunghangan! Mga elementong galing sa ibang daigdig! Oo! Ako nga'y nalinlang ng isang salamin!

Hindi ko na napigilan ang mga luhang gusto na nga akong lubayan. Lahat ng aking nakagisnan ay puro lamang pala kahibangan. Unti-unting nangatog ang aking mga tuhod. Hindi ako makapaniwalang ako nga ay nahulog, sa isang patibong na sa aking katawa'y humubog. Dito mismo sa kinatatayuan ko, sa harap ng salaming manloloko. Bumagsak ako sa sahig, at tanging hagulgol ko lamang ang maririnig sa buong paligid.

Pagkapasok ko kinabukasan, binalot ng katamlayan ang aking katawan. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang katotohanan na nangyari sa palikuran.

"Uy! Kumusta ang araw mo?" masiglang lumapit sa akin ang isang kaibigang lalaki mula sa kabilang classroom.

Naglakad ako patungo sa may railings at napatanaw sa malayo. "Hindi pa tuluyang nagsisimula ang araw ko. Hindi pa sa ngayon."

Agad kong naramdaman ang pag-landing ng kamao niya sa tuktok ng ulo ko. "Napapraning ka na naman!"

"Ano ba?! E, sa wala pa akong gana ngayong araw, e." Bumuntong hininga ako.

"Gano'n ba? E, ano nga palang balita sa'yo kahapon? Siguro kung saan-saan na naman pumadpad 'yang utak mo, 'no? Sorry, a? Hindi kita nasabayan."

"Ayos lang." Pinaglaruan ko ang aking mga daliri. Naramdaman ko na naman ang punyal sa aking dibdib. "At saka, kahapon... na-realize ko lang na hindi ka pala talaga makikita ng ibang tao sa paraang nakikita mo ang sarili mo. Hindi nila mararamdaman ang nararamdaman mo kung hindi nila susubukang tumambay sa kinatatayuan mo. Hindi nila alam... ang pagkatao... ko. Akala ko, ayos na ako. Iyon pala, iba pa rin ako sa harap ng maraming tao. Sa mata... ninyo."

Sumunod ang mahabang katahimikan. Napangiti na lamang ako nang mapakla at tinignan ang reaksiyon niya.

"Huhulaan ko," aniya, "galing 'yan sa kalawakan, 'no? Kilala kita! Siguro umabot pa 'yan sa kabilang dimensiyon ng mundo. O kaya sa planeta ng mga alien, tama ba?"

Tumawa siya; humalumbaba na lamang ako.

"Gano'n na ba 'ko kabaliw kung sasabihin kong," tumingin ako sa mga mata niya, "oo?"

Mula sa pagkakatawa, nauwi iyon sa panlalaki ng mata at pagkunot ng noo niya. "Seryoso 'yan?" utas niya.

Nag-landing ulit ang kamao niya sa ulo ko; narinig ko na naman ang nakakainis niyang tawa saka siya umakbay sa akin.

Ginulo niya ang buhok ko. "Haaay. Kailan pa ba ako masasanay sa'yo...."

Huminga na lamang ako nang malalim at tumanaw sa malayo.

"'Wag ka masyadong tumulala, baka mawala ka na naman sa huwisyo mo...."



Photo credits. 
Reference: https://www.google.com.ph/url?sa=i&rct=j&q=&esrc=s&source=images&cd=&cad=rja&uact=8&ved=0ahUKEwizyZfvx-rKAhUBtpQKHd8tDZoQjRwIBw&url=https%3A%2F%2Fwww.pinterest.com%2Fpin%2F488148047088809816%2F&psig=AFQjCNEFieaO7Zqk9sT5_s2a6hT8-L1HLQ&ust=1455102846870743

Mga Komento

  1. There are many times in my life where I feel so tanga and that it has led me to do many things that I sort of regret :)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Pagmamahal ni Jose

"Pakipot ka pa. Eh gusto mo rin naman ako. Bakit ayaw mo pa akong sagutin?" panunuyo ni Lolo Joseph kay Lola Esme. Humalukipkip ang matandang babae at ngumuso na parang bata. "Sagutin? Sagutin ka diyan! Ni hindi ka pa nga nanliligaw, ikaw na matanda ka!" Pinagmasdan ko lamang ang dalawang matandang nagsusuyuan na akala mo'y mga binata't dalaga pa rin. Sina Lolo Jose at Lola Esme ay sampung taon nang namamalagi rito sa Home for the Aged na pinagtatrabahuhan ko. At sa limang taon na nagvo-voluteer ako rito, marami na 'kong nakilalang matatanda. May iba't ibang ugali, ngunit silang dalawa ang lubos na nakapukaw ng atensyon ko. Nakakatuwa silang panuorin t'wing sasapit ang ika-siyam ng umaga. Katulad ngayon, may dalang paso ng sili si Lolo Joseph na kinuha pa niya sa hardin upang ibigay kay Lola Esme. "Hindi pa ba ako nanliligaw sa lagay na ito? Sampung taon na akong naghihintay at nagtitiis para lang sa napakatamis mong 'oo

KINAIN KO ANG PAG-IBIG

Babala: Rated SPG (Tema, Lengguwahe, Karahasan, Horror)  Nagising ako nang saktong alas tres ng madaling araw. Saktong-sakto lang ito... tulad ng inaasahan ko. Tamang-tama lang. Kinuha ko ang bagay na noon pa man ay kating-kati na akong gamitin. Sa tingin ko ay ngayon na nga ang tamang panahon. Lumabas ako ng aking kuwarto. Napakatahimik ng paligid at tunay na napakadilim ng bawat sulok ng mga silid. Binuksan ko ang kabilang pinto ng kuwarto at doon tumambad sa akin ang mga magulang kong mahimbing na natutulog. Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi habang dahan-dahang lumalapit sa kanila. Sa bawat pag-angat at pagbaba ng kanilang mga dibdib ay mas lalong nararating ng aking sistema ang rurok ng kasiyahan nito. Sa bawat pagkaluskos ay mas lalong lumalawak ang guhit ng ngisi sa aking mukha. Tang *na... hindi ko na mapigilang mapamura sa aking isipan. Hinaplos ko ang napakaamong mukha ng aking nanay. Hindi niya alam na noon pa ma’y lihim ko na siyang napupusuan nang higit pa sa pagiging