Lumaktaw sa pangunahing content

Eccentric Heartbeats





"Saan tayo pupunta, babe?" Tanong ni Izzy sa kanyang nobyong si
Rave.
"Sa ospital." Patuloy na pagmamaneho ng lalaki.

"Ha? Bakit? Sinong naospital?"

"Ako. Nababaliw na kasi ako sayo." Sabay ngisi.

Nabunutan ng tinik ang dalaga. Pinalo nito sa braso ang kanyang boyfriend.
"Fudge! Akala ko totoo na! Alis ako na magmamaneho! Willing akong dalhin ka sa mental!"

Bahagyang napahalakhak nalang ang lalaki sa inasal ng girlfriend niya. Sa totoo lang, magdadalawang taon na silang mag-on pero kahit kailan, hindi pa siya nito nahahalikan. Puro yakap, at holding hands lang. Kahit anong ipilit niya na, okay lang basta mahal nila ang isa't isa, hindi parin niya mapigilan ang malungkot. Hindi sa nagmamadali siya pero... naniniwala siya na ang isang halik ay nagbibigay ng kasiyahan sa isang tao. At, gusto niyang maramdaman ang kasiyahan na yon, kasama ang pinakamamahal niyang babae.

"Seriously, you're driving too much. We're way too far from my house. San tayo papunta?" Nagtatakang tanong ni Izzy at dumungaw sa bintana upang tignan ang paligid. Pamilyar parin sa kanya ang lugar ngunit wala talaga siyang clue kung saan sila pupunta. Kung saan ba sila magde-date.

"Sa ospital." Sagot ni Rave, na nakafocus parin sa daan. Hinarap ito ni Izzy. Nahalata niya ang mukha ng boyfriend na may halong lungkot at panghihinayang.

"Ahh. Para ba ipacheck up ang puso mong tumitibok para sa kin? Alam ko na mga banat mo, babe." Natatawang sambit ng dalaga.
Sumulyap si Rave kay Izzy nang magred ang traffic lights.

"Hindi. Sinugod si Ramond sa ospital kaya dadalawin natin siya."

Katahimikan.

Katahimikan ang bumalot sa kanila hanggang sa mag green na ulit ang ilaw at hanggang sa makarating na sila sa ospital. Tinanong nila kung saan ang room ni Ramond. Habang naglalakad patungo sa kwarto kung nasaan ang nakababatang kapatid ni Rave, napansin ng binata na biglang natulala ang kanyang nobya. Tinignan niya ito sa likod dahil medyo malayo na pala ang agwat nila sa isa't isa. Hindi makagalaw ang dalaga.

"Babe, anong nangyare?"

At dun lang natauhan si Izzy nang pitikin siya sa noo ni Rave. Bahagya itong namutla.

"Ha? Uh. W-Wala. Tara na!" Pagyaya nito at hinila si Rave sa room ni Ramond.

"Ate Izzy!"

Isang masiglang mukha ng pitong taong gulang na batang lalaki ang sumalubong sa pagbukas ni Rave ng pinto.

Sumimangot ang binata. "I miss you too, Ramond." Walang buhay nitong bati sa kapatid.

Umusog ito nang kaunti para papasukin muna si Izzy bago siya.

"Ramond!" Takbo ng dalaga papunta sa kamang hinihigaan ng bata. Niyakap niya ito ngunit sinaway siya ng boyfriend.

"Yah! Be careful!"

"Oops. I'm sorry." Lingon ulit ni Izzy kay Ramond. "Ikaw naman kasing bubwit ka. Kita mong may sakit ka sa puso, ang kuliiiiit kulit mo!"

"Si Ate Izzy naman eeh." Sabay nguso ng bata.

Ginulo na lamang ng dalaga ang buhok ni Ramond bago bumati sa mga magulang ng nobyo.

Ilang oras ang makalipas, nagpaalam muna ang mga magulang ni Rave na uuwi muna sila upang magpahinga. Walang pag-aalinlangan naman itong sinang-ayunan ng binata dahil batid niya ang pagod na nararamdaman ng kanyang mama at papa. Isang araw na itong walang pahinga. Maya maya, napansin niya ang pagiging uneasy ng dalaga. Kaya tinabihan niya ito sa upuan at nakatingin lang sa kapatid na payapang natutulog sa kanyang puting kama. 

"M-May problema ba tayo, Iz?" Kinukutuban na untag ni Rave. 

Alam niya kasing may psychological problem ang girlfriend kaya alam niya rin kung gaano kasama para dito ang magkaroon ng problemang dinadala. Delikado ito sa kanya.

"Ahm..." Tila nataranta na utas ni Izzy. "Babe, CCR lang ako ha? P-Pwede ba?"

Nilingon ito ni Rave at bahagyang namungay ang mga mata ng bibata. Hinawakan niya ang kamay ng nobya na tila namamasma.

"Please tell me. Ano bang nangyayari sayo? Don't make me this worried." Buga nito ng hangin.

"Ha? Ano ka ba, babe! Eh naiihi lang ako! Ang sakit na ng pantog ko kanina pa, tinitiis ko lang!"

Nataranta si Rave. "W-What? Bakit di mo sinabi agad? Ugh. Tara punta na tayo sa CR--"

"Eh? K-Kaya ko na naman mag-isa, babe! Atsaka sino nalang magbabantay kay Ramond? Nako."

Napakamot nalang si Rave at wala nang nagawa.
"Sure ka ah?" Ani to nang ihatid niya ang girlfriend sa labas ng room.

"O-Oo noh. Wag ka ngang exagg." Iwas ng tingin ni Izzy.

"I'm sorry. Kasi... nag-aalala lang naman po ako sayo." Ngisi ng binata at pinitik ang noo ni Izzy.

"Oo na. Sorry din. Hmm. Uuna nako! Shit! Super sakit na eh!"

Tumango tango si Rave habang natatawa. Tumitig siya sa dalaga. Nilapit niya ang kanyang mukha para sana... halikan ito kahit sa pisngi lang pero, agad na nag-iwas si Izzy at nagpaalam na nang tuluyan.

"B-Bye."

Napalitan ng lungkot ang mukha ni Rave at napabuntong hininga nalang.

"Kuya?"

Naalipungatan si Rave nang malamang gising na pala ang kapatid niyang si Ramond.

"Oh. Gising ka na pala. Ano yun?" Sabay gusot sa mata. Hindi niya napansin na nakaiglip na rin pala siya nang kaunti.

"Nasaan si Ate Izzy?" Malungkot na tanong ng bata.

Nagulat si Rave. "H-Ha? Wala pa si Izzy?"

Tinignan nito ang buong sulok ng kwarto at nang makumpirmang wala pa nga ang dalaga, nabuhay lahat ng tulog niyang cells. Automatic siyang napatayo. Nagsimula na siyang mag-alala.

"Hindi ba siya bumili ng pagkain?" Tanong nito kay Ramond.

"Nung nagising ako, ikaw lang ang nakita ko. Wala pa si Ate." He frowned.

Goosebumps! Sobrang lakas na talaga ng kabog sa dibdib ni Rave.

"Dito ka lang. Wag kang magpapasok ng hindi mo kakilala okay? Babalik din ako kaagad, hahanapin ko lang ang ate mo."

"Opo kuya."

Kumaripas ng takbo si Rave paalis sa kwartong iyon. Paikot ikot siya sa floor na iyon para itanong sa security guard kung nakita ba nitong umalis na yung kasama niya. Ani guard, wala naman itong napansin na babaeng matangkad at may kulot na buhok.

"Salamat."

Umalis na agad ito doon. Hanggang sa naalala niyang nagpaalam nga pala ito upang magbanyo. Kaya walang anu anong pumanhik siya sa girl's cr at pumasok. Napatili ang mga babae sa gulat nang pumasok siya. Pero wala isa don ang kanyang hinahanap. Pinagpapawisan na siya.

"May nakita ba kayong babae na matangkad... Ganito. Hanggang dito ko tapos maganda at may kulot na buhok?" Sunod sunod niyang tanong sa mga babae, walang palya sa mabilis na pagsasalita nito at pagdedemonstrate.

"Ako ba?" Turo ng isang babaeng kulot sa sarili niya. Napatingin si Rave dito.

"Hindi ka naman maganda." Sabay labas sa cr para maghanap naman sa iba.

Buong building na ata ay nalibot niya maliban sa... basement. Mabilis ulit siyang tumakbo pababa sa basement. Nakita niyang walang katao tao doon dahil tambakan ito ng mga... namatay na pasyente. Kumunot ang noo niya.

"Fuck." Mura niya sa kanyang sarili at tumalikod nalang upang maghanap pa sa iba. Susubukan niya ulit sa second floor, sa rooftop, o di kaya babalik ng room ni Ramond, nagbabaka sakaling bumalik na ito doon pero...

Pero nakarinig siya ng isang ingay mula sa di kalayuan. Napatikhim ito at tinignan kung ano ang meron. Wala siyang makita kaya naglakad pa siya papasok. Nang tuluyan na siyang makapasok, sumalubong agad sa kanya ang masangsang na amoy at tahimik na paligid.
Saan nanggaling yung narinig niyang ingay?

Sumighap siya dahil hindi na niya kayang tiisin ang lugar. Tumalikod na siya para bumalik sa taas. Pero...

Pero sa pagtalikod niya...

Sa hindi kalayuan...

Nakita na niya si Izzy...

Nakita na niya ang nobya ngunit, hindi pa siya nito nakikita dahil...

Dahil abala ito sa pakikipaghalikan...

Sa isang lalaking... bangkay.

Nanlaki ang mga mata niya. Mabigat ang bawat paghinga... Hindi makapaniwala sa mga nakikita ng mismong mga mata niya! Habang pinapanuod niya ang pangit na tanawin, unti unting winawasak ang puso niya. Nakayuko ang kanyang pinakamamahal na nobya sa isang bangkay na lalaki. At. Hinahalikan ito sa labi. Nakapikit pa ang dalaga kaya hindi pa siguro siya nito napapansin. Pumatak ang isang butil ng luha sa kanyang mata. Marahas niya itong pinunasan at bumalik na sa kwarto ng kapatid na parang, walang nangyari.

"Kuya? Bakit di mo pa kasama si ate?" Tanong ng kanyang kapatid.

Kinuha ni Rave ang mainit na sopas sa gilid ng kama ni Ramond at sinubuan ito.

"Umuwi na muna ang ate mo. Pagod siya kaya kailangan niyang magpahinga." Mahina ang boses nito.

"Aw. Sayang naman."

"Ikaw. Kailangan mo nang magpagaling. H-Ha?"

Nagtaka si Ramond sa pagbiyak ng boses ng kuya niya. Ngunit hindi niya nalang ito pinuna at tumango nang kaunti.

"Opo kuya. Salamat."

Dalawang linggo ang lumipas, nakalabas na ng ospital si Ramond. Dalawang linggo na ring balisa si Rave... Walang ganang kumain at... laging tulala. Ngunit isang araw, saka niya lang napagdesisyunang itext ang kanyang girlfriend na dalawang linggo naring hindi nagpaparamdam at nagpapakita sa kanya.
Meet me. Please. Sa lumang eskinita. Bukas ng gabi. 9 o'clock. Babe... I love you so much. :)

Nang mabasa ni Izzy ang text ng kanyang mahal na boyfriend, hindi pa man lumulubog ang araw ay naghanda na siya. Iniisip niya na, may surpresa ulit ito sa kanya dahil monthsary nila bukas. Kailangan niya magmukhang maganda, kahit paulit ulit na namang sinasabi ni Rave sa kanya na maganda ito kahit simple lang. Kaya. Nang dumating ang pinakahihintay niyang araw, hindi na siya makapaghintay na maggabi. Excited na siyang pumatak ang mahabang kamay ng orasan sa numerong six. At nang sa wakas, mangyari iyon. Agad siyang nagpaalam sa kanyang mga magulang at nagmaneho na papunta sa lumang eskinita, kung saan, pagmamay-ari na nila.
Babe? Where are you? Nandito na ako. :)

Pagkababa ng sasakyan ni Izzy ay umihip ang malamig na hangin na tila, hinahaplos ang kanyang balat at niyayakap ang kanyang buong katawan. Bumalik muli siya sa kanyang sasakyan at naghintay ng reply na galing kay Rave. Ngunit nang makalipas ang limang minutong wala paring sumasagot, napagdesisyonan na niyang maglakad papunta sa loob ng lumang bahay. Madilim doon at walang ilaw. Tanging mga lampara at kaunting kandila lamang ang nagbibigay ng liwanag sa mga daanan. Twing naroroon lang sila nila sinisindihan ang mga yun. Kaya ibig sabihin, nasa taas na ang kanyang kasintahan na si Rave. Dahan dahan siyang umakyat. Dahan dahan ang bawat hakbang na ginagawa niya, tinitignan ang mga rosas sa paligid at ang mga petals na nakakalat sa hagdan. Napangiti siya.

"How sweet." Aniya sa kanyang sarili at tuloy tuloy nang naglakad.

Nang nasa tapat na siya ng kwarto kung san sila laging tumatambay ni Rave, kumatok siya nang ilang beses. Ngunit nagsimula na siyang magtaka sa pagkat walang nagbubukas o nagsasalita manlang mula sa loob. Kaya wala na siyang ibang nagawa kundi ang pihitin iyon. At nang pagbukas niya ng pinto, bumungad agad sa kanya ang hindi pamilyar na kurtina. Nakasara ito dahilan upang takpan ang nasa likod, na kung saan ay ang malapad na kama. May nakita siyang papel na nakatiklop sa may lamesa kaya umupo muna siya para tignan ang nakasulat doon.
Hi babe. First of all, I really really really miss you. Lagi kong hawak ang phone ko para tignan kung magtetext ka ba, pero nadisappoint mo ko dahil hindi ka na talaga nagparamdam.Hmm. Oo nga pala. Happy monthsary! You know what. I have something to give you, babe. Sana magustuhan mo siya. I really hope so. Kasi, pinaghirapan ko yan. Ilang taon ko ring inalagan yun. Sana mahalin mo ah?Tulad ng...Pagmamahal mo sa mga patay...Oo. Pansin kong lagi kang napapamahal sa mga patay. Yun yung sakit mo di ba? Pero ang sakit lang malaman na buti pa yung patay sa ospital, hinalikan mo. Ako, kahit sa pisngi o kamay lang, hindi pa! Kapag ako gagawa ng first move, naiwas ka.Kaya sana...............I love you.

Hindi na pinagpatuloy ni Izzy ang pagbabasa at huli niya nalang na binasa ay ang nasa dulo. Hindi niya alam kung bakit tuloy tuloy ang pagpatak ng mga luha niya dahil sa sulat. Pero....

Siguro dahil... kinutuban na siya.

Tumakbo siya patungo sa kurtina at marahas na hinawi iyon. At nang makita niya kung ano ang nasa loob... Napatakip siya ng bibig. Mas lalong dumaloy ang mga luha niya at napasigaw.

"RAVE!" Sigaw niya. Pumatong siya sa kama na punong puno ng petals. Pero hindi niya yun napansin nang makita na niya ang pinakamamahal niyang lalaki.
Si Rave...

Na...

Nakasabit sa kisame. Nagbigti ito at halatang... wala nang hininga.

Iyak nang iyak si Izzy. Hanggang sa may makita ulit siyang sulat na nakasabit sa damit ni Rave. Kinuha niya iyon at binasa.
Izzy. I love you. I'm sure the time when you read this letter, I no longer alive. Patay na ko. I'm sorry. I feel so wasted. Damn wasted! I am so fucking stress these past few days, thinking of you!Ngayong wala na ko. Ngayon na isa na akong bangkay....You can now do what you want to me.I love you...

"RAVE!" Napahagulgol na ang dalaga. Hindi na niya makayanang tignan ang binata na ganun ang kalagayan kaya inabot niya ang kutsilyo sa gilid ng kama. At. Tumayo siya para putulin ang lubid na nakatali kay Rave sa kisame. Niyakap niya ito kahit isa na itong malamig na bangkay. Tuloy tuloy ang luha.

"R-Rave, wag ka namang magbiro n-ng ganto..."

Hikbi.

"A-Alam ko na y-yang mga... pakulo at b-banat mo eh. P-please R-Rave... tigilan mo n-na..."

Silence.

Ngunit. Bigo siya. Hindi na dumilat ang mga mata ng binata. Wala na ang mga ngiti nito sa labi. Kitang kita ang mahahaba nitong pilik mata dahil sa nakapikit nitong mata. Pero nakita niya ang basa sa pisngi nito. Ang huling luha ng binata.

Hiniga ni Izzy ang binata sa kama.

At. Ilang sandali ay hinalikan niya ito.

Sa pisngi.

Sa noo.

Sa ilong.

Sa mata.

At sa mga...

Labi nito.

Bago niya alisin ang kanilang mga saplot at... makipagtalik dito...

Bumulong muna siya sa tenga ng kasintahan.

"Happy monthsary... and thank you for this gift." At saka siya pumaibabaw sa lalaking wala nang saplot.


Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Pagmamahal ni Jose

"Pakipot ka pa. Eh gusto mo rin naman ako. Bakit ayaw mo pa akong sagutin?" panunuyo ni Lolo Joseph kay Lola Esme. Humalukipkip ang matandang babae at ngumuso na parang bata. "Sagutin? Sagutin ka diyan! Ni hindi ka pa nga nanliligaw, ikaw na matanda ka!" Pinagmasdan ko lamang ang dalawang matandang nagsusuyuan na akala mo'y mga binata't dalaga pa rin. Sina Lolo Jose at Lola Esme ay sampung taon nang namamalagi rito sa Home for the Aged na pinagtatrabahuhan ko. At sa limang taon na nagvo-voluteer ako rito, marami na 'kong nakilalang matatanda. May iba't ibang ugali, ngunit silang dalawa ang lubos na nakapukaw ng atensyon ko. Nakakatuwa silang panuorin t'wing sasapit ang ika-siyam ng umaga. Katulad ngayon, may dalang paso ng sili si Lolo Joseph na kinuha pa niya sa hardin upang ibigay kay Lola Esme. "Hindi pa ba ako nanliligaw sa lagay na ito? Sampung taon na akong naghihintay at nagtitiis para lang sa napakatamis mong 'oo

KINAIN KO ANG PAG-IBIG

Babala: Rated SPG (Tema, Lengguwahe, Karahasan, Horror)  Nagising ako nang saktong alas tres ng madaling araw. Saktong-sakto lang ito... tulad ng inaasahan ko. Tamang-tama lang. Kinuha ko ang bagay na noon pa man ay kating-kati na akong gamitin. Sa tingin ko ay ngayon na nga ang tamang panahon. Lumabas ako ng aking kuwarto. Napakatahimik ng paligid at tunay na napakadilim ng bawat sulok ng mga silid. Binuksan ko ang kabilang pinto ng kuwarto at doon tumambad sa akin ang mga magulang kong mahimbing na natutulog. Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi habang dahan-dahang lumalapit sa kanila. Sa bawat pag-angat at pagbaba ng kanilang mga dibdib ay mas lalong nararating ng aking sistema ang rurok ng kasiyahan nito. Sa bawat pagkaluskos ay mas lalong lumalawak ang guhit ng ngisi sa aking mukha. Tang *na... hindi ko na mapigilang mapamura sa aking isipan. Hinaplos ko ang napakaamong mukha ng aking nanay. Hindi niya alam na noon pa ma’y lihim ko na siyang napupusuan nang higit pa sa pagiging

Scheofrodé

Scheofrodé. : pangngalan (n.) : takot, kahibangan, kaba na nararamdaman sa matagal  na pagtitig sa harap ng isang salamin. * * * Tanga. 'Yan pala ako simula pa noon. Isa akong tanga. Tanga na nagpalinlang sa  isang salamin. Akala ko noon, hindi ako malilinlang ng kahit anuman  basta't magawa kong linlangin ang realidad. Oo, nagtagumpay ako. Pero,  tanga. Isang salamin ang nakatalo sa akin. Isang salamin na kahit kailan ay  kaya kong basagin, ngunit hindi ko gagawin. Tanga ako, pero hindi ako  pikon. Sa kalagitnaan ng byahe sa dyip na sinasakyan ko, tahimik akong  nakikipagtalo sa realidad. Kung saan-saan napadpad ang aking isipan  nang isang bagay ang aking malaman. Sa aking pag-uwi, hindi na ako nag-abala pang magbihis ng pambahay;  dumiretso agad ako sa palikuran kung saan matatagpuan ang... kriminal. Isang salamin ang payapang nakasabit sa dingding. Halos maiyak ako;  mahigpit na ikinuyom ang aking kamao nang makita ang pinakasinungaling  na nilalang n