Lumaktaw sa pangunahing content

Silforty

"Good afternoon, sir." Bati ng security guard.
Tumunog ang chimes nang pagbuksan niya ko ng glass door.
Pagkapasok ko ay agad na hinanap ng mga mata ko ang table na nasa pinakasulok at nasa pagitan ng mga salamin.
Tinignan ko ang relo ko at nakitang sobrang tagal ko na pala. Napamura nalang ako.
Ginala ko ang paningin ko hanggang sa...
Makita ko siya.
"Sorry. I'm so sorry. Aish. Late ako."
Hinihingal ako. Pero parang alam na niya na mangyayari ito. Inaasahan na niyang mahuhuli na naman ako...
Tulad ng dati.
"It's okay. Have a seat."
Napabuga ako ng hangin nang di manlang niya ako tignan. Nakababa parin ang tingin niya sa hawak niyang libro habang may isang tasa ng kape sa tapat niya.
"Sorry." Halos bulong ko sa hangin sabay upo sa tapat niya.
"I said it's okay." Aniya.
"I'm--"
Mas minabuti ko nalang na hindi ituloy ang sasabihin.
Tinignan ko ang isa pang tasa ng kape na nasa mesa.
Kadalasan ang mga kape, umuusok pa dahil sa init. Pero ang kapeng nasa harapan ko ay hindi na.
"So, kamusta ka na?" Tanong ko.
"I'm good."
Sabay lipat ng pahina.
"It's been a long time." Naiilang ako sa katahimikan. Hindi pa ko nasanay.
"Yeah. It is."
"Pero ganun ka parin kaganda."
Katahimikan.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I bend down my head. My hands are being uneasy.
Hindi siya nagsalita, patuloy pa rin na nagbabasa.
"Uh. Alam mo, nakahanap na ko ng trabaho. Isa na kong manager ng isang sosyal na restaurant."
Ngumiti ako.
"That's good to hear."
"So when you ask me to meet you, I felt excitement. Of course, now is different. I already succeed one of my best goals that I promised you, almost a decade ago."
She nodded once as she sipped into her coffee.
And after that, a long silence between us, came.
Inabot ko ang tasa ng kape na nasa tapat ko. Kahit malamig na, pinilit ko paring inumin.
I don't want to fail her, trice.
"I'm getting straight to the point, if it's alright."
"All right."
Sabay lipat ulit ng pahina.
Tumingin ako sa gilid, dahilan upang makita ko ang nasa labas ng coffee shop.
Pinanuod ko nang ilang sandali ang mga taong naglalakad at mga sasakyang dumadaan...
Bago magsalita.
"Ginawa ko na ang gusto mo. Nagawa ko nang maghintay ng napakahabang panahon. Kaya ngayon, uulitin ko ang tanong ko makalipas ang tatlong taon."
Nakita kong tumigil siya sa pagbabasa.
At. Nagpatuloy ako.
"Will you be my girlfriend?"
Malakas ang tibok ng puso ko habang hinihintay ang sagot niya.
Binaba niya ang kanyang libro at sa unang pagkakataon, mula ngayong araw na to...
Tinignan niya ako.
"Still no." Aniya.
Halos hindi ako makahinga nang maayos nung sabihin niya na naman ang dalawang salitang yon.
Ako na mismo ang nag iwas ng tingin.
Mahabang katahimikan.
Dinampot niya ulit ang librong binabasa niya at naglipat ng pahina.
Hindi ko na namamalayang pinaglalaruan ko na pala ang kape.
Nag igting ang panga ko.
"Bakit?"
Humigop siya ng kape. "I can't still believe you."
"You're still confused for my feelings."
Tiniklop ko ang mga palad ko. Madidiin ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko nung mga oras na yun.
"Bakit?"
"Don't expect me to believe li--"
"Hindi pa ba sapat? Hindi pa ba sapat ang ginawa kong paghihintay?"
Sandali siyang napahinto. "Yes."
"Fuck."
Napasandal ako sa kinauupuan ko.
"Don't cursed me."
"I'm not. You know I won't. Mahal na mahal kita. Hindi kita sasaktan. Naiintindihan mo ba yun? Kaya kitang mahalin habambuhay. I promise."
"Until now, you still don't know what's the difference between like and love. Do you?"
"I 'love' you."
"Almost everybody told me those three-lettered lie. And even one of them can't prove it. They end up rising the white flag, turning their back on me. Funny, isn't?"
"Even me?"
She turned the page. "Even you."
"Bakit? Ito naman ako ah? I am infront of you, asking you again to have my heart. Isn't enough? Isn't enough that I'd waited for nine years?"
Ramdam ko na ang panginginig ng lalamunan ko.
"That's not enough. And it will never be."
"Di ba sabi mo sa kin ng mga bata pa tayo, kung manliligaw ako sayo. Patunayan ko. Maghintay ako sayo nang mahabang panahon. Hanggang sa grumaduate tayo ng highschool. Ng college. Nag debut ka. Nag debut na ako. Nagkaron ka ng trabaho. Nagkaron ka na ng coffee shop, ito. At ngayon, may maipagmamalaki na rin ako. Isn't enough? Pinatunayan ko na ang pagmamahal ko sa yo. Naging matibay ako. Nagsikap ako. At hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin kita! Tapos sasabihin mo, hindi pa sapat? O talagang ayaw mo lang sa kin? Hindi naman ako panget ah? Hindi naman ako bobo, tambay, basagulero, manyak, o ano. Wala akong masamang bisyo. Naging tapat ako sayo. A-Ano pa bang gusto mo?"
And a tear fell into my eye.
Katahimikan.
"I don't believe--"
"You can't still--"
"I don't believe in love."
Katahimikan.
"For me, there's no such thing as love. But, if ever I'm wrong, I know it will fade, soon. There's no permanent in this world. And I don't want to decide something that my future self will regret for. I know, there comes a day that when I accept you, that when I accept a man like you, you'll find more than... me. You're going to find more than I am. And you'll left me... hanging. And wasted."
Katahimikan.
"Accept my heart and I'll prove you wrong."
She sipped again.
"I won't accept you because I know what's going to happen. Everything, everybody's going to left... soon. No permanents."
"No. Please." I shook my head and wipe my tears away.
"Don't make this hard for me."
"Please... A-Accept me. Pinaghirapan ko to."
"Did I told you to?"
"Pero binigyan mo ko ng motibo para gawin ko. Akala ko kapag nagawa ko na ang sinabi mong hintayin kita, may pag-asa tayo. Please."
She flipped the page again.
"You thought wrong."
Katahimikan.
Nagpunas ako ng luha at pinilit na ngumiti.
I reach for the cup and sipped the coffee.
Katahimikan.
"Anong pamagat ng libro?"
Nilipat niya ulit ang pahina.
"Silforty."
"Tungkol saan?"
"About a girl... suffering from leukemia."
"Anong chapter mo na?"
"Epilogue."
"Oh."
Katahimikan.
Pinahid ko ulit ang butil ng luha sa pisngi ko.
Pilit kong inangat ang magkabilang gilid ng labi ko, para ngumiti.
Then...
I decided to stand and take my things.
"I'm going... But I'll come back again... for the fourth time. Soon. Maybe after three years?"
Nilapag niya ang libro at humigop sa tasa. Hindi siya tumayo.
Tumingin lang siya sa labas at pinanuod ang mga sasakyan.
"It's up to you."
"Okay. I'm going."
Katahimikan.
"Sya nga pala... Ilang beses mo nang nabasa ang librong yan? Napansin ko kasing, ang bilis mo."
"Seventh."
"Thanks... Good bye. See you after three years."
Ngumiti ako. Nanatili akong nakatayo sa harapan niya, naghihintay ng sagot mula sa kanya.
Katahimikan.
"Bye."
Okay lang kahit yun lang ang sinabi niya.
Ngumiti ako nang huling beses...
Saka na ko tumalikod para umalis.
"Thank you, sir. Please come again."
Sabay tunog ng chimes...

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Pagmamahal ni Jose

"Pakipot ka pa. Eh gusto mo rin naman ako. Bakit ayaw mo pa akong sagutin?" panunuyo ni Lolo Joseph kay Lola Esme. Humalukipkip ang matandang babae at ngumuso na parang bata. "Sagutin? Sagutin ka diyan! Ni hindi ka pa nga nanliligaw, ikaw na matanda ka!" Pinagmasdan ko lamang ang dalawang matandang nagsusuyuan na akala mo'y mga binata't dalaga pa rin. Sina Lolo Jose at Lola Esme ay sampung taon nang namamalagi rito sa Home for the Aged na pinagtatrabahuhan ko. At sa limang taon na nagvo-voluteer ako rito, marami na 'kong nakilalang matatanda. May iba't ibang ugali, ngunit silang dalawa ang lubos na nakapukaw ng atensyon ko. Nakakatuwa silang panuorin t'wing sasapit ang ika-siyam ng umaga. Katulad ngayon, may dalang paso ng sili si Lolo Joseph na kinuha pa niya sa hardin upang ibigay kay Lola Esme. "Hindi pa ba ako nanliligaw sa lagay na ito? Sampung taon na akong naghihintay at nagtitiis para lang sa napakatamis mong 'oo

KINAIN KO ANG PAG-IBIG

Babala: Rated SPG (Tema, Lengguwahe, Karahasan, Horror)  Nagising ako nang saktong alas tres ng madaling araw. Saktong-sakto lang ito... tulad ng inaasahan ko. Tamang-tama lang. Kinuha ko ang bagay na noon pa man ay kating-kati na akong gamitin. Sa tingin ko ay ngayon na nga ang tamang panahon. Lumabas ako ng aking kuwarto. Napakatahimik ng paligid at tunay na napakadilim ng bawat sulok ng mga silid. Binuksan ko ang kabilang pinto ng kuwarto at doon tumambad sa akin ang mga magulang kong mahimbing na natutulog. Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi habang dahan-dahang lumalapit sa kanila. Sa bawat pag-angat at pagbaba ng kanilang mga dibdib ay mas lalong nararating ng aking sistema ang rurok ng kasiyahan nito. Sa bawat pagkaluskos ay mas lalong lumalawak ang guhit ng ngisi sa aking mukha. Tang *na... hindi ko na mapigilang mapamura sa aking isipan. Hinaplos ko ang napakaamong mukha ng aking nanay. Hindi niya alam na noon pa ma’y lihim ko na siyang napupusuan nang higit pa sa pagiging

Scheofrodé

Scheofrodé. : pangngalan (n.) : takot, kahibangan, kaba na nararamdaman sa matagal  na pagtitig sa harap ng isang salamin. * * * Tanga. 'Yan pala ako simula pa noon. Isa akong tanga. Tanga na nagpalinlang sa  isang salamin. Akala ko noon, hindi ako malilinlang ng kahit anuman  basta't magawa kong linlangin ang realidad. Oo, nagtagumpay ako. Pero,  tanga. Isang salamin ang nakatalo sa akin. Isang salamin na kahit kailan ay  kaya kong basagin, ngunit hindi ko gagawin. Tanga ako, pero hindi ako  pikon. Sa kalagitnaan ng byahe sa dyip na sinasakyan ko, tahimik akong  nakikipagtalo sa realidad. Kung saan-saan napadpad ang aking isipan  nang isang bagay ang aking malaman. Sa aking pag-uwi, hindi na ako nag-abala pang magbihis ng pambahay;  dumiretso agad ako sa palikuran kung saan matatagpuan ang... kriminal. Isang salamin ang payapang nakasabit sa dingding. Halos maiyak ako;  mahigpit na ikinuyom ang aking kamao nang makita ang pinakasinungaling  na nilalang n