Lumaktaw sa pangunahing content

Yummy Drink





"Tol! May tubig ka pa ba d'yan?" hiyaw ng  ka-tropapips ni Romer habang busy siyang gumagawa ng takdang aralin na ipapasa na maya-maya lamang.

"Ha?" nakakunot-noong untag ni Romer habang abala pa rin sa pagtingin nang palipat-lipat sa kaniyang papel at sa papel ng hiniraman niyang kaklase.

"Tang**na! Bilisan mo, uhaw na 'ko!"

Nagpatuloy lamang sa pagsusulat si Romer.

"Tan**na naman! Kunin mo na lang sa bag! Kita mong nagsisipag ako rito!" anang Romer at muling nagpatuloy, hindi pa rin nililingon ang katropapips.

Maya-maya...

"G*go ka, Romer! Tang'na mong hayop ka, demonyo! A-ano 'tong pina-inom mo sa'kin?!"

Handa nang murahin ni Romer pabalik ang kaniyang ka-tropapips ngunit nakita niya itong pulang-pula.

Natigilan si Romer at unti-unting pinamutlaan ng mukha, naaalala ang kanilang eksperimento kaninang umaga sa laboratoryo. Oo nga pala. Ginamit niyang lagayan ng asido ang lalagyan niya ng tubigan dahil alam niyang mayroon siyang bagong bote sa kanilang bahay.

"Tang'na mo, tropapips! Bakit mo ininom 'yan?! Ang tanga mong, gago ka!" naghihisteryang sigaw ni Romer habang walang magawa kung hindi ang panuoring magdusa ang kaniyang ka-tropapips.

-Wasak na Wakas-

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

KINAIN KO ANG PAG-IBIG

Babala: Rated SPG (Tema, Lengguwahe, Karahasan, Horror)  Nagising ako nang saktong alas tres ng madaling araw. Saktong-sakto lang ito... tulad ng inaasahan ko. Tamang-tama lang. Kinuha ko ang bagay na noon pa man ay kating-kati na akong gamitin. Sa tingin ko ay ngayon na nga ang tamang panahon. Lumabas ako ng aking kuwarto. Napakatahimik ng paligid at tunay na napakadilim ng bawat sulok ng mga silid. Binuksan ko ang kabilang pinto ng kuwarto at doon tumambad sa akin ang mga magulang kong mahimbing na natutulog. Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi habang dahan-dahang lumalapit sa kanila. Sa bawat pag-angat at pagbaba ng kanilang mga dibdib ay mas lalong nararating ng aking sistema ang rurok ng kasiyahan nito. Sa bawat pagkaluskos ay mas lalong lumalawak ang guhit ng ngisi sa aking mukha. Tang *na... hindi ko na mapigilang mapamura sa aking isipan. Hinaplos ko ang napakaamong mukha ng aking nanay. Hindi niya alam na noon pa ma’y lihim ko na siyang napupusuan nang higit pa sa pagig...

Saturday Shift

  “Basketball bukas, Jhed. Subukan mong humindi, sisikmuraan ka namin.”   Gumuhit ang takot sa mukha ni Jhed nang marinig iyon mula sa kanyang mga kaklse na nakasalubong niya lamang sa kalye. Kakatapos lang ng huling klase sa linggong iyon. Napakamot siya ng batok sa hiya.   “Uh, pasensiya na, pare. May pasok pa ako bukas, e. Sa susunod na lang. Babawi ako…” pagpapakumbaba niya.   Tinawanan siya ng mga kausap at binato ng bola sa ulo. Napapikit siya sa sakit na naramdaman at napaluhod sa semento dahil sa lakas ng puwersa.   “Ang bobo talaga nito! Walang pasok bukas, gunggong!”   Samu’t saring pambabatikos ang natamo ni Jhed. Tumatawang iniwan siya ng mga ito kaya’t wala mang ideya kung anong nangyari ay sinikap niya pa ring tumayo. Hinaplos niya ang parteng natamaan ng bola at napadaing sa sakit.   “Uy! Anyare sayo?” Isang tapik sa balikat.   Tinignan niya kung kaninong kamay galing iyon at nginitian na lamang.   “Hay, nako. Bilisan na natin!...

Scheofrodé

Scheofrodé. : pangngalan (n.) : takot, kahibangan, kaba na nararamdaman sa matagal  na pagtitig sa harap ng isang salamin. * * * Tanga. 'Yan pala ako simula pa noon. Isa akong tanga. Tanga na nagpalinlang sa  isang salamin. Akala ko noon, hindi ako malilinlang ng kahit anuman  basta't magawa kong linlangin ang realidad. Oo, nagtagumpay ako. Pero,  tanga. Isang salamin ang nakatalo sa akin. Isang salamin na kahit kailan ay  kaya kong basagin, ngunit hindi ko gagawin. Tanga ako, pero hindi ako  pikon. Sa kalagitnaan ng byahe sa dyip na sinasakyan ko, tahimik akong  nakikipagtalo sa realidad. Kung saan-saan napadpad ang aking isipan  nang isang bagay ang aking malaman. Sa aking pag-uwi, hindi na ako nag-abala pang magbihis ng pambahay;  dumiretso agad ako sa palikuran kung saan matatagpuan ang... kriminal. Isang salamin ang payapang nakasabit sa dingding. Halos maiyak ako;  mahigpit na ikinuyom ang aking kamao nang ma...